Patay ang walo katao habang sugatan naman ang siyam na iba pa, kasunod ng malawakang pagbaha sa Seoul, South Korea.
Ito ay ayon sa South Korea Interior and Safety Ministry matapos ang ilang araw na walang tigil na pag-ulan.
Sa ulat, umabot sa mahigit 800 residente ang inilikas dahil sa pagbaha at kanselado na rin ang operasyon ng mga pampublikong sasakyan dulot ng pagkawala nang suplay ng kuryente sa malaking bahagi ng lungsod.
Samantala, patuloy naman ang isinasagawang Search and Rescue Operations ng mga otoridad upang hanapin ang anim pang nawawala.