8 ang patay sa flashfloods bunsod ng malakas na pag-ulan sa Southern Iran.
2 iba pa ang pinaghahanap habang 14 ang nasugatan.
Ayon sa Iranian National Rescue Service, 5 sa mga nasawi ay nagmula sa Fars Province.
Napinsala rin sa kalamidad ang agriculture, infrastructure, urban at rural housing.
Samantala, nagpaabot na ng tulong ang Iranian Red Crescent sa tinatayang 20K katao.