Nasawi ang walong katao sa malawakang pagbaha sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Nabatid na mula noong Biyernes ay walang patid ang pagbuhos ng ulan sa lugar.
Ayon sa State Chief Minister, mahigit 32,000 mga indibidwal mula sa Selangor ang inilipat sa temporary shelters.
Sinabi ni Prime Minister Ismail Sabri Yaakob na inatasan niya na ang lahat ng ahensya na magsagawa ng mas pinaigting na mga operasyon upang matulungan ang mga apektadong indibidwal sa Taman Sri Muda.
Pinatulong na rin ng pamahalaan ang mga sundalo at iba pang security agencies sa pitong estado para sa rescue operations sa mga apektadong lugar.