Walo katao ang sugatan sa pagsabog ng hinihinalang improvised explosive device sa Datu Piang, Maguindanao.
Ayon kay Datu Piang Mayor Victor Samama, ang mga biktima ay kaagad isinugod sa ABPI-Samama Clinic and Hospital sa nasabing pagsabog sa town plaza ng Datu Piang kung saan isinasagawa ang isang volleyball tournament.
Isa sa mga biktima ay inilipat sa Cotabato Regional and Medical Center sa Cotabato City dahil sa matinding tama ng sharpnel.
Sinabi ni Samama na hindi naicoordinate sa mga otoridad ang nasabing volleybal tournament na lumabag din sa quarantine restrictions.
Nag alala si Samama matapos malamang nakatanggap ng banta ang grupo na binubuo ng LGBT members, bago ang mismong tournament.