Walo na ang nasawi habang hindi bababa sa saisenta ang sugatan sa pagtama ng magnitude 5 point 4 na Lindol sa Itbayat Batanes.
Ayon kay Batanes Provincial Disaster Risk Reduction and Management Officer Roldan Esdicul, pawang mga nabagsakan ng gumuhong pader ng lumang bahay na gawa sa Limestone ang mga nasawi.
Aniya, natutulog ang mga biktima sa loob ng nabanggit na bahay nang mangyari ang pagyanig.
Sinabi pa ni Esdicul, ilang mga sugatan ang kinailangang ibiyahe sa Basco sa Isla ng Batan dahil hindi kumpleto ang kagamitan sa ospital sa Itbayat.
Bukod sa ilang mga kabahayan nag resulta rin ang lindol ng pagkawasak sa makasaysayang simbahan ng Itbayat.
Batay sa datos ng PHIVOLCS, tumama ang magnitude 5 point 4 na lindol sa Itbayat pasado alas 4:16 kaninang umaga.
Naitala ang epicenter nito sa layong 12 kilometro Silangan ng Itbayat at may lalim na 12 kilometro.
Paliwanag ni PHIVOLCS Director Renato Solidum, mas malakas ang naramdamang yanig kung saan nasa intensity 6 sa Itbayat habang intensity 3 sa Basco at sabtang dahil mababaw ang nabanggit na lindol.