Patay ang walong indibidwal kabilang na ang isang sanggol matapos pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan ang dalawang bahay sa North-Central Mexico.
Base sa nakuhang impormasyon ng mga otoridad, pinagbabaril ang mga biktima dahil target ng mga suspek ang naturang bahay na planong gamitin ng mga adik sa iligal na droga.
Ayon sa mga otoridad, mayroon pang tatlong biktima ng pamamaril ang nakaligtas at ngayon ay nagpapagaling na sa ospital.
Patuloy pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga otoridad upang alamin kung anong grupo o miyembro ang responsable sa pagpatay sa mga biktima. —sa panulat ni Angelica Doctolero