Patay ang walo katao matapos pagbabarilin ng mga armadong lalaki sa Kabacan, North Cotabato.
Kinilala ang mga biktima na sina Kors Salilangan, Sandigan Zailon, Benladin Dimanalao, Romeo Balatamay, Katindig Kagayawon, Fahad Mandigan, parehong residente ng Kabacan; Budsal Lipusan ng Datu Odin Sinsuat, Maguindanao; at Musaid Jaiden ng Midsayap, North Cotabato.
Ginagamot naman sa ospital si Tong Guiman, residente naman ng Barangay Aringay sa nabanggit na bayan.
Ayon kay Police Lt. Ernie John Saratao, Kabacan Deputy Police Chief for Operations, nagpapahinga sa gilid ng highway ang mga biktima nang dumating ang mga armadong suspek na pawang naka-motorsiklo at pinaulanan ng bala ang mga ito.
Nakaganti pa ng putok ang isa sa kanila pero napatay din ng mga salarin na mabilis na tumakas matapos ang pamamaril.
Posible umanong “rido” o away ng magkakalabang angkan ang dahilan ng nabanggit na krimen.