Hinatulang ‘guilty’ o may sala ng Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 15 ang walong tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa kaso ng pagkamatay ng isang Taiwanese fisherman noong taong 2013.
Sinentensyahan ng Manila court ng walo hanggang 14 taong pagkakabilanggo ang walong PCG personnel makaraang mapatunayang may sala sa kasong homicide sa pagpatay kay Hong Chi Sheng sa karagatang sakop ng Batanes, partikular noong ika-9 ng Mayo, 2013.
Kabilang sa mga akusado sina:
Commander Arnold dela Cruz;
Seaman Second Class Nicky Aurelio;
Seaman First Class Edrando Aguila;
Seaman First Class Mhelvyn Bendo II;
Seaman First Class Andy Gibb Golfo;
Seaman First Class Sonny Masangkay;
Seaman First Class Henry Solomon;
at Petty Officer Richard Corpuz.
Magugunitang naging dahilan ang insidente ng pagkakaroon ng lamat sa relasyon ng Pilipinas sa Taiwan dahil sa pagkamatay ng naturang Taiwanese fisherman.