Patay ang walong katao matapos bumagsak ang helicopter sa na sinasakyan ng mga ito sa Democratic Republic of the Congo.
Ayon sa mga otoridad, nagkaroon ng labanan sa pagitan ng mga rebelde at Congolese Army at doon na nga binaril ng mga rebelde ang naturang sasakyang panghimpapawid
Nabatid naman na ang helicopter ay nagsasagawa ng reconnaissance para sa U.N. Peacekeeping Mission sa Congo kasama ang isa pang helicopter nang ito ay salakayin. —sa panulat ni Mara Valle