Pasok sa 2021 Asian Scientists 100 ang walong (8) Pilipinong dalubhasa sa iba’t ibang larangan ng siyensya.
Ayon sa Department of Science and Technology (DOST), kabilang sa mga expert na pasok sa listahan sina Dr. Annabelle Briones, Dr Francis Aldrine Uy, Dr. Desiree Hautea, Dr. Sandra Teresa Navarra, Dr. Kathleen Aviso, Dr. Jonel Saludes, Dr. Salvacion Gatchalian at Ginoong Edgardo Vazquez.
Taong 2016 nang ilunsad ng Asian Scientist Magazine ang listahan ng 100 pinakanatatanging scientists sa rehiyon.
Una nang napasama sa nasabing listahan ng mga dalubhasa kahanay ang mga expert mula sa Japan, China, Singapore, Thailand at India, sina Dr. Raul Destura na nasa likod ng locally-developed coronavirus disease 2019 (COVID-19) test kits, Dr. Gay Jane Perez – deputy director general ng Philippine Space Agency at Dr. Philip Alviola na naglunsad ng mga pag-aaral sa mga paniki at coronavirus.