Pinangalanan na ng Partido Demokratiko ng Pilipinas-Lakas ng Bayan o PDP-Laban ang mga personalidad na posibleng mapabilang sa kanilang senatorial lineup para sa may 2019 midterm elections.
Inianunsyo ito sa assembly ng PDP-Laban sa Pasay City na dinaluhan ni Pangulong Rodrigo Duterte na chairman ng partido.
Kinumpirma ni PDP-Laban President at Senador Aquilino “Koko” Pimentel III, na bukod sa kanya ay kabilang sa initial list sina Special Assistant to the President (SAP) Christopher “Bong” Go, Presidential Spokesman Harry Roque; Davao City Representative Karlo Nograles, Makati City Representative Monsour Del Rosario, Quirino Representative Dakila Cua, Maguindanao Representative Zajid Mangudadatu; dating MMDA Chairman at ngayo’y Presidential Political Adviser Francis Tolentino.
Bagaman apat (4) na slots na lamang ang natitira at wala pang katiyakan kung mapapabilang din sa lineup, tiniyak ni Pimentel ang endorsement ng kanilang partido sa mga reelectionist senator na sina Sonny Angara, Nancy Binay, JV Ejercito, Grace Poe at Cynthia Villar.
—-