Walong inmates na sa loob ng Bilibid prison ang namatay dahil sa dehydration.
Ito ang ibinulgar ng samahan ng mga pamilya na nasa death row kasunod ng pagputol ng suplay ng malinis na tubig sa Bilibid.
Ayon kay Dolores Pangilinan, asawa ng isang inmate at miyembro ng grupo, simula noong October 9 ay ipinagbawal na ang pagbisita sa mga inmate, pinutol ang pagdeliver ng tubig at sinira ang mga sleeping quarters.
Ginawa ito kasunod ng pag demolish sa ilang iligal na istruktura sa loob ng national penitentiary sa ilalim ng pamumuno ni bagong BuCor Chief Gerald Bantag.
Ayon sa mga pamilya, hindi sila tumututol sa pagbabagong ipinapatupad sa Bilibid ngunit huwag naman anilang maisakripisyo ang pangunahing pangangailangan ng mga bilanggo.