Patay ang walong (8) Afghan pulis sa US airstrike sa southern province ng Afghanistan.
Sinabi ni Rahimullah Khan, Provincial Operational Commander, ang unang dalawang airstrikes noong Linggo ng hapon ang kumitil sa isang pulis sa checkpoint sa labas ng provincial capital ng Tarin Kot, habang ang ikalawa naman ang pumatay sa pitong iba pa.
Kinumpirma naman ng US Military Command sa Kabul na nagsagawa nga ng airstrike ang mga warplanes sa nabanggit na lugar subalit target lamang nito ang mga indibidwal na namamaril at nagbabanta sa Afghan National Security Forces (ANSF).
By Mariboy Ysibido
Photo Credit: AFP