Nakapagtala ng walong rockfall events sa Bulkang Mayon sa nakalipas na 24-oras.
Ayon ito sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), bagamat wala namang naitalang volcanic earthquake sa Bulkang Mayon.
Ika-29 ng Oktubre nang maglabas ng sulfur dioxide ang Bulkang Mayon na ang average ay umaabot sa 436 tonnes per day.
Nananatili naman sa Alert Level 1 ang estado ng Bulkang Mayon kaya’t patuloy ang paalala ng PHIVOLCS na bawal pa rin ang pagpasok sa loob ng 6-kilometer radius permanent danger zone ng bulkan.
Nananatili pa rin ang panganib ng rockfalls, landslides, ash puffs at phreatic eruptions sa Bulkang Mayon.