Nananatiling kuntento sa pinaigting na kampaniya kontra iligal na droga ng administrasyon ang karamihan sa mga Pilipino.
Iyan ang lumabas sa pinakabagong survey ng SWS o Social Weather Stations sa ikalawang bahagi ng taong ito o mula Abril hanggang Hunyo ng taong ito.
Batay sa survey, 78 porsyento ng mga Pilipino ang kuntento pa rin sa kampaniya ng pamahalaan kontra droga, nasa 13 porsyento ang tutol habang siyam na porsyento naman ang undecided.
Isinagawa ang survey mula Hunyo 23 hanggang 27 sa 1,200 na tinatawag na respondents na sumailalim sa face to face interviews.
Magugunitang naging kontrobersyal ang war on drugs ng administrasyong Duterte dahil sa dami ng mga napapatay sa mga ikinakasang operasyon ng mga awtoridad sa ilalim ng oplan tokhang at project double barrel.