Walo (8) sa sampung (10) Pilipino sa buong bansa ang ang nakararamdam na ligtas sila dahil sa kampanya ng gobyerno kontra iligal na droga.
Ito ang lumalabas sa pinakabagong Pulse Asia survey na isinagawa noong Disyembre 6 hanggang 11.
Pinakamataas na naitala ang satisfaction rating sa Mindanao kung saan 90 porsyento ng mga residente dito ang mas feeling safe ngayon kumpara noong nakaraang taon dahil sa kampanya ng gobyerno kontra droga.
Walumpu’t pitong (87) percent naman ang naitala sa Visayas habang 74 percent naman ng mga respondent ang feeling safe mula sa Luzon.
Ipinagmalaki naman ito ng NCRPO o National Capital Region Police Office.
Ayon kay NCRPO Chief Director Oscar Albayalde, maituturing itong isang malaking accomplishment sa hanay ng pulisya dahil unti-unting pagbabalik ng tiwala ng publiko.
Magugunitang sinuspinde ni Pangulong Rodrigo Duterte ang PNP sa mga ikinakasang anti-drug operations makaraang pumutok ang ginagawang pagdukot at pagpatay sa Korean businessman na si Jee Ick Joo.
By Rianne Briones