Nababahala ang 8 sa 10 Pilipino na baka mauwi sa digmaan ang iringan ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea.
Ito ang lumitaw sa isinagawang survey ng Social Weather Stations o SWS hinggil sa sentimiyento ng publiko mula nang umatras ang bansa sa standoff sa Scarborough shoal noong 2012.
Walumpu’t apat (84) na porsiyento sa 1,200 respondents ang “worried” o nababahala sa maaaring maganap na bakbakan sa pagitan ng Tsina at Pilipinas.
Ayon naman kay Presidential Spokeswoman Abigail Valte, natural lamang na kabahan ang tao sa posibleng pagsiklab ng giyera dahil walang sinumang makikinabang dito.
By Jelbert Perdez