Walo sa sampung Pinoy ang kumbinsido na walang nangyaring dayaan noong May 9 elections.
Isa lamang ito sa mga nagpapakita ng positibong assessment ng mga Pilipino sa nangyaring eleksyon base sa survey ng Pulse Asia.
Kapani-paniwala rin sa 9 sa bawat 10 respondents ang naging resulta ng eleksyon.
Siyamnapu’t dalawang (92) porsyento ang nagsabing mabilis lamang ang eleksyon sa kanilang lugar samantalang, maayos naman ang paglalarawan ng 93 percent sa kanilang lugar.
Gayunman, pagdating sa vote buying, 66 percent ang nagsabi na wala silang napansing vote buying sa kanilang lugar.
Batay sa survey may 22 percent na inalok ng pera kapalit ng boto at 76 percent ng mga inalok ang tumanggap nito.
By Len Aguirre