Balik Maynila na ang walo sa 11 mga sundalo na nasawi matapos makipagbakbakan sa mga bandidong Abu Sayyaf sa Sulu noong Biyernes.
Ayon kay Western Mindanao Command (Wesmincom) Spokesman Maj. Arvin Encinas, nagsagawa muna ng isang send-off ceremony ang Wesmincom sa Edwin Andrews airbase sa Zamboanga City.
Isinakay ang labi ng mga nasawing sundalo sa dalawang C295 Military aircraft patungo namang Villamor Airbase sa Pasay City at nakarating doon dakong 10:00 na ng gabi.
Sinalubong ang mga ito ng ilang opisyal ng pamahalaan sa pangunguna ni Defense Sec. Delfin Lorenzana, AFP Chief of Staff Gen. Filemon Santos Jr, Philippine Army Chief Lt/Gen. Gilbert Gapay at Air Force Chief Lt/Gen. Allan Paredes.
Ayon kay Encinas, hindi na dinala pa sa Maynila ang tatlo sa mga bayaning sundalo dahil pawang residente ang mga ito ng Visayas at Mindanao.
LOOK: 8 Sulu Heroes via 2 C295 military aircraft arrived at Villamor Airbase, Pasay City yest, April 18, 10 p.m. The Philippine Army rendered the traditional Arrival Honors for our soldier heroes. PH Army | via @jaymarkdagala pic.twitter.com/PverdXVoe5
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) April 19, 2020