Walo pa sa 181 Pilipinong nasa Ukraine ang nag-aalangan pa ring sumailalim sa repatriation sa kabila ng tensyon sa pagitan ng nabanggit na bansa at ng Russia.
Ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) secretary Silvestre Bello III, nananatili ang 8 ito sa command center at wala pang desisyon kung tuluyan nang uuwi.
Sa bilang naman sa 181, higit sa isang daan o 106 sa mga ito ay overseas Filipino workers (OFWs), 30 ang kasal at 50 ang dependents.
Hanggang kahapon, February 27 ay nasa 38 Pilipino na ang nagtungo sa Poland mula sa Kyiv, siyam ang nagtungo sa Austria at siyam ang humingi na ng tulong sa grupo ni Pastor Apollo Quiboloy.
Para matulungan ang mga Pilipino, binigyan ito ng DOLE ng dalawang dolyar kada isa at hiwalay pa ang food at medical assistance.—sa panulat ni Abby Malanday