Sinampahan na ng kaso ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang walong suspek na security guards na sangkot sa pagkawala ng mga sabungero.
Kasong paglabag sa article 267 ng revised penal code o kidnapping and serious illegal detention ang kasong isinampa laban sa mga suspek.
Kahapon, nagtungo ang CIDG sa Department of Justice (DOJ) para magsampa ng kaso kasama ang ilang nagrereklamo at testigo.
Sa ngayon, hinimok ng pnp ang iba pang testigo at nakakita sa nangyari na boluntaryong magtungo sa kanilang himpilan upang makatulong sa imbestigasyon. – sa panulat ni Abby Malanday