Nagkaisa ang walong abogadong senador mula sa minority at majority block sa mariing pagkondena sa nakakaalarmang serye ng pagpaslang at pangha-harass sa mga abogado at hukom.
Kinabibilangan ito nina Senate Minority Leader Franklin Drilon, Senators Sonny Angara, Pia Cayetano, Leila De Lima, Richard Gordon, Kiko Pangilinan, Koko Pimentel at Francis Tolentino.
Sa pangunguna ni Drilon, naghain ang mga ito ng resolution number 691 kung saan nakasaad kung gaano kahalaga ang papel na ginagampanan ng mga abogado sa administrasyon para mapanatili ang hustisya sa bansa lalo na sa mga pagkatawan sa mahihirap na mga Filipino.
Iginiit din ng mga senador na nagdudulot ng chilling effect sa mga nasa legal profession ang sunud sunod na karahasan laban sa mga abogado.
Nangangamba anila ang mga abogado kung magagampanan ba nila ang kanilang tungkulim sa ating lipunan bilang administrator ng hustisya ng walang banta at takot sa kanilang buhay at kaligtasan.
Tinukoy sa resolusyon ang isiniwalat ng Department of Justice na sa 54 na napatay na miyembro ng legal professjon simula noong 2016, lima pa lang ang nakarating sa korte.
Ayon sa mga senador ang kabiguang kondenahin ,imbestigajan at panagutin ang mga gumagawa ng karahasan sa mga abogado at hukom ay nakasisira sa tiwala at kumpiyansa ng publiko sa ating justice system. —ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)