Pinangalanan na ng Liberal Party ang 8 sa kanilang magiging pambato sa pagka senador sa halalan 2016.
Ayon kay Quezon City Representative Winston Castelo, 3 sa kanilang senatorial line-up ay mga re-electionist, iyan ay sina Senate President Franklin Drilon, Sen. Ralph Recto at Sen. Teofisto Guingona III. Kasama rin sa senatorial ticket ng Liberal sina dating senador Francis Pangilinan, Justice Secretarey Leila de Lima, Technical Educarion Skills and Development Authority (TESDA) Secretary Joel Villanueva, Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino at dating energy Secretary Jericho Patilla.
Ayon kay Castelo ang 8 pangalan na iyan ay inanunsyo sa pamamagitan ng resolusyon sa ginawang pagpupulong ng National Executive Council noong Martes kasama si Pangulong Noynoy Aquino.
Ayon pa kay Castelo, sa 4 na natitira pang upuan sa senatorial line up ng LP, isa ang naka reserba na kay Sarangani Rep. Manny Pacquiao habang ang isa pang bakante ay otomatikong mapupunta kay Camarines Sur Rep Leni Robredo sakaling tumanggi itong maging bise ni LP standard bearer Mar Roxas.
Ilan pa sa pinagpipilian ng lp sa pagka senador ay sina Taguig Rep. Lino Cayetano, Las Pinas Rep. Mark Villar, dating senador Panfilo Lacson, at AKBAYAN Rep. Risa Hontiveros.
By: Jonathan Andal