Nakakuha na ng sertipikasyon mula sa Department of Tourism (DOT) ang walong hotel sa Metro Manila.
Batay sa guidelines ng DOT, tanging ang mga hotel lamang na mayroong 4-star o 5-star rating ng ahensya ang puwedeng magkaroon ng guests para mag-staycation.
Bago payagang magbalik-operasyon ang mga hotel, kailangang mag-apply o kumuha ang mga ito ng Certificates of Authority to Operate for Staycations (CAOS) mula sa DOT.
Ang staycation ay tinukoy ng DOT bilang “minimum overnight stay for leisure purposes”.