Walo ang sugatan, kabilang ang isang bata, sa naganap na shootout sa pagitan ng magkalabang political families sa bayan ng Malabang, Lanao del Sur.
Unang umalingawngaw ang putukan sa Barangay Tubod noong linggo ng gabi na nasundan dakong alas-2 at ala-5 ng madaling araw noong Lunes.
Ayon sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao Police, walang naitalang casualties o kritikal sa mga biktima na pawang sibilyan.
Humupa lamang ang tensyon nang ideploy sa naturang lugar ang mga miyembro ng PNP-Special Action Force at Philippine Marines.
Aminado naman si Abdul Jabbar Noor, election officer ng Malabang na hindi pa nila mabatid kung election-related ang insidente lalo’t mayroong “Rido” sa pagitan ng dalawang pamilya.
Samantala, isinailalim ng Commission on Elections sa control nito ang Malabang at Bayan ng Tubaran na kabilang sa red code areas o areas of immediate concern ng poll body.