Sugatan ang walong sundalo makaraang sumabog ang isang improvised explosive device (IED) habang nagsasagawa sila ng clearing operation sa Patikul, Sulu.
Ayon kay Lieutenant Colonel Gerry Besana, Public Affairs Officer ng Western Mindanao Command, naganap ang insidente sa barangay Bangkal habang kinokolekta ng mga sundalo ang mga armas at pampasabog na ginamit ng mga miyembro ng grupong Abu Sayyaf sa kanilang pakikipagbakbakan sa tropa ng pamahalan.
Kasalukuyan nang nagpapagaling ang mga sugatang sundalo sa Heneral Teodulfo Bautista Station Hospital sa Busbos, Jolo Sulu.
Tiniyak naman ng militar na patuloy ang kanilang ginagawang pagtugis sa mga rebelde sa lugar.
—-