Muling kinasuhan ng PNP ng large scale estafa sa DOJ ang walo kataong dawit sa Car Rent Tangay scam.
Ito ayon sa PNP Highway Patrol Group Region 4A ay base na rin sa testimonya ng 18 biktima mula sa Laguna, Bulacan, Angeles City, Nueva Ecija at Batangas.
Kabilang sa mga kinasuhan sina Rafaela Anunciacion, Eleanor Leah Constantino Rosales, Tychisu Historillo Nambio, Jhennelyn Berroya, Anastacia Montes Cauyan, Eliseo Cortez, Marilou Cruz at Sabina Torrea.
Sina Anunciacion, Rosales, Nambio at isang ana Pamplona Borlon ay una nang inilagay ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre sa immigration lookout bulletin.
By: Judith Larino / Bert Mozo
o