Sinampahan na ng mga kasong kriminal ang walong hinihinalang miyembro ng Al Khobar group na umano’y nasa likod ng pambobomba sa Tulunan, North Cotabato noong Enero.
Kabilang sa mga nahaharap sa mga kasong murder at frustrated murder sina Salahudin Hassa, Lutre Aman, Tasly Saligan, Norodrin Haman, Datu Ali Camsa, Sandali Sindatok, Jordan Kamad, at Tahir Abubakar.
Matatandaang sumabog ang bomba sa isang waiting shed sa Barangay Sibsib na ikinasawi ng fruit vendor na si Gina Paunon habang nasugatan naman ang dalawang iba pa.