Patay ang isang walong taong gulang na bata dahil sa suffocation matapos na maiwanang natutulog sa loob ng sasakyan sa Pasay City.
Ayon sa ulat, hindi napansin ng mga kaanak ng batang si Janna Jacobe na naiwan ito sa kanilang sasakyan.
Pinaghahanap ng pamilya ang bata sa pag-aakalang napahiwalay lamang ito sa kanila.
Gabi nang makita ng pamilya na nasa loob lamang ito ng kanilang sasakyan.
Posibleng maharap sa kasong negligence resulting to homicide ang driver ng naturang sasakyan.
By Rianne Briones