Mahigpit na mino-monitor ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang walong teroristang nagtatago umano sa bansa.
Ayon kay AFP Chief of Staff Lt. General Gilbert Gapay, ang mga nasabing dayuhang terorista ay nakapasok sa bansa sa pamamagitan ng borders o backdoor.
May mino-monitor pa aniya silang 29 na nasa ilalim ng kanilang watchlist.