Nasabat ng mga awtoridad ang mahigit 8 toneladang Capiz Shells sa pantalan sa Barangay Punta, Ormoc City dahil sa kakulangan ng mga dokumento.
Natuklasang nasa 1.5 tonelada ang nakalagay sa auxiliary permit ngunit sa pagbibilang ng mga awtoridad ito ay tinatayang 8.4 na tonelada.
Kinumpiska ang mga Capiz shells matapos lumabag sa Fisheries Administrative Order 157, na nagbabawal sa pagkuha at pagkolekta ng naturang shells nang walang permit.
Samantala, patuloy pang iniimbestigahan kung sino ang may-ari ng Capiz shell.- sa panunulat ni Maze Aliño- Dayundyon