Walong unibersidad sa Pilipinas ang pasok sa 2016 Asian University rankings ng Quacquarelli Symonds.
Nananatili sa top 70 ng 2016 QS rankings ang nangungunang Pamantasan ng Bansa na University of the Philippines; nasa 99th place ang Ateneo de Manila mula sa 144th noong isang taon;
143rd ang De la Salle University mula sa dating 181st; bumaba naman sa 157th ang University of Santo Tomas mula sa dating 143rd;
Kabilang naman sa 251 hanggang 300 bracket ang Siliman university sa Dumaguete at Xavier University sa Cagayan de Oro City; Ateneo de Davao habang nasa 301-350 bracket ang San Carlos University sa cebu.
Samantala, sa ikatlong taon ay napanatili ng National University of Singapore ang titulo bilang best university in Asia.
By: Drew Nacino