Patuloy ang mga naitatalang aktibidad ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS sa bulkang Taal.
Batay sa pinakahuling datos ng PHIVOLCS, nakapagtala ang bulkan ng 8 volcanic earthquakes kabilang na ang isang volcanic tremor na may 5 minuto ang haba.
Nakapagtala rin ng 3 phreatomagmatic burst ang bulkang taal kahapon, dahilan upang makapagpalabas ito ng may 4,273 tonelada kada araw na Sulfur Dioxide o asupre.
Gayunman, bahagyang umimpis na ang Taal Volcano Island gayundin sa kalakhang caldera ng bulkan subalit posible pa rin ang malakas na pagsabog.
Dahil dito, patuloy na pinagsasabihan ng PHIVOLCS ang mga residente sa paligd ng bulkan na laging sumunod sa abiso ng mga awtoridad at gawin ang ibayong pag-iingat upang maiwasan ang anumang pinsala. —ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)