Inaasahang magagamit na ang 80 bed isolation facility sa National Center for Mental Health sa Mandaluyong City sa kalagitnaan ng Setyembre.
Ayon kay DPWH Secretary at Isolation Czar Mark Villar, ang shipping container na ginawang isolation facility ay inilaan para sa mga mild at asymptomatic cases.
Aniya, makatutulong ang bagong pasilidad sa pagtugon ng health workers sa tumataas na bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa Metro Manila at kalapit na mga lalawigan.
Sinabi naman ni Undersecretary Emil Sadain, head ng DPWH Task Force to facilitate augmentation of local at national health facility na ang nasabing pasilidad ay maaaring magamit para sa mga moderate symptoms ngunit pagaling na mula sa virus at hindi na kailangan ang agarang atensyong medikal.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico