80 team ang ipapakalat sa Cebu City para magsagawa ng contact tracing sa mga na-expose sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) patients.
Ipinabatid ito ni Cebu City Mayor Edgardo Labella kung saan ang kada team ay bubuuin ng tig-anim na miyembro na pawang mga duktor.
Tiniyak ni Labella ang pagpapalawig ng contact tracing ngayong nasa ilalim pa rin ng enhanced community quarantine ang lungsod.
Sinabi ni Labella na sa loob lamang ng 42 oras ay mailalabas na ang COVID-19 results sa Cebu City.