Umalma ang Department of Agriculture (DA) sa report ng World Animal Organization (WAO) na 80% ng mga pinatay na baboy dahil sa African Swine Flu (ASF) ay mula sa Pilipinas.
Tinawag na iresponsable ni Agriculture Secretary Willliam Dar ang report ng WAO dahil ang totoo aniya ay wala pang .01% ng bilang ng kaso ng ASF sa Asya ang nagmula sa Pilipinas.
Binigyang diin ni Dar na sumusunod ang Pilipinas sa international standards at protocol sa pagtugon sa problema ng ASF at inirereport nila ang lahat ng insidente ng ASF.