Ipinagmalaki ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na 80 infrastructure projects ang maaaring mapondohan sa pamamagitan ng Maharlika Investment Fund.
Sa Philippine Economic Briefing sa San Francisco, California USA, inihayag ni Pangulong Marcos na ang Maharlika Fund ang magsisilbing karagdagang source of funding para sa priority projects, kasama na ang infrastructure flagship projects.
Nabatid na ang mga proyekto ay magbibigay ng mataas na returns at malaking social economic impact.
Kaugnay dito, sinabi ni PBBM na pinaghahandaan na nila ang pagiging operational ng Maharlika Fund na itong kauna-unahang sovereign investment fund ng Pilipinas.
Idinagdag pa ng pangulo na handa na ang Pilipinas sa mithiing maging leading investment hub sa asya.