Pumalo sa 80 katao ang tinamaan ng panibagong chemical attack sa Syria.
Batay sa ulat ng Syrian Observatory for Human Rights na naka-base sa United Kingdom, inakusahan nito ang rehimen ng Syria na siyang may kagagawan ng pag-atake sa Aleppo.
Ilang regime warplanes umano ang nagpasabog ng mga barrel bomb na may kargang “poison gas” sa distrito ng Sukkari.
Sa video naman ng Aleppo Media Center, makikita ang mga biktima habang ginagamot at sinasaklolohan ng mga medics.
Una nang lumabas sa imbestigasyon ng United Nations noong nakaraang buwan na gumagamit ng chemical weapons ang National Air Force at ISIS militants sa nabanggit na bansa.
By Jelbert Perdez
Photo Credit: UGC/ BBC