80% ng mga kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Cavite ay mula sa mga pagluwas-luwas sa Metro Manila dahil sa trabaho o appointment.
Ibinunyag ito ni Cavite Governor Jonvic Remulla matapos i-post sa Facebook ang kabuang kaso ng ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa lalawigan na nasa 502, 195 recoveries at 36 ang patay.
Sinabi ni Remulla na tama ang prediction ng pulmologist na si Dr. Charles Yu na aakyat ang kaso ng COVID-19 sa lalawigan matapos ang dalawang linggong pagsailalim sa NCR ng general community quarantine (GCQ).
Kasabay nito pinayuhan ni Remulla ang matatanda o senior citizens na iwasang lumabas dahil higit na nanganganib ang mga ito sa virus.
Kasabay nito muling binalaan ni Remulla ang mga mahilig uminom ng alak sa kanilang probinsya dahil mayruon aniyang breath analyzer ang mga otoridad at kapag napatunayang naka inom ang mga ito ay makukulong o magbabayad ng multa.