Umaasa ang 80% ng mga Pilipino na mailalatag na ang bakuna at gamot kontra covid 19 sa susunod na isang taon.
Batay ito sa isinagawang survey ng Social Weather Station sa mahigit isanlibong respondents mula september 17 hanggang 20 kung saan 17 % naman ang naniniwalang hindi pa mailalarga ang bakuna kontra COVID-19.
Lumalabas din sa survey na 80% ng respondents ang naniniwalang magiging available na ang bakuna kontra COVID-19 sa susunod na 12 buwan habang 17% din ang nagsabing hindi pa sila umaasang magkakaruon na ng bakuna sa loob ng isang taon.
Nasa edad 18 hanggang 24 ang pinakamataas na bilang ng mga Pinoy na umaasang magkakaroon ng bakuna at gamot sa susunod na taon.