Naitala sa Pilipinas ang 80% ng pagkamatay ng mga baboy dahil sa African Swine Fever (ASF).
Ito ay batay sa datos ng World Organization for Animal Health kasunod ng “culling” sa Quezon CCity kung saan 146 na mga baboy ang pinatay matapos magpositibo sa ASF ang 11 baboy sa Barangay Silangan.
Kabuuang 8,000 baboy na umano ang namatay sa bansa simula noong August 30 hanggang September 12 ngayong taon.
Ibig sabihin, ito ang halos bumubuo sa 8,200 mga baboy na namatay sa buong Asya habang 10,000 naman ang mga baboy na nasawi sa buong mundo dahil sa ASF.