8 sa bawat 10 Pilipino o halos 80% ang umaasang magiging masaya sila ngayong kapaskuhan batay ito sa survey ng Social Weather Stations at ang nasabing porsyento ay maituturing na pinakamataas na simula nuong 2002 kung kailan nakapagtala ng 82%.
Sa survey na isinagawa nitong nakalipas na December 13 hanggang 16 sa 1,200 respondents may 2% pa na nagsabi na malungkot ang kanilang pasko ngayong 2019 at 19% naman ang hindi tiyak kung magiging masaya o hindi ang kanilang kapaskuhan.
Unang isinagawa ang ‘happy christmas survey’ nuong 2002 bumaba ito sa 77% ng sumunod na taon at bumagsak sa 62% at umangat sa halos 70% mula 2004 hanggang 2013.
Umabot na ito sa mahigit 70% nuong 2014 at patuloy itong umangkat.
Batay sa resulta 70% sa mga nagsabi na masaya sila ngayong kapaskuhan ay mula sa Metro Manila, 80% sa Mindanao at pinakamataas na 82% sa Visayas.