80% ng mahigit 13-M populasyon sa Metro Manila o halos 11-M individual ang mabibigyan ng ayuda sa panahon ng ECQ sa NCR.
Ayon ito kay Senador Bong Go matapos aprubahan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang pondo para sa pinansyal na ayuda na tig-P1,000 kada kuwalipikadong indibidwal sa Metro Manila o maximum na P4,000 kada household.
Sinabi ni Go na sa pamamagitan ng ayudang ito, matutulungan ang mga mahihirap na Pilipino na maitawid ang kanilang pamilya habang apektado ang kanilang kabuhayan dahil sa ECQ lalo na ang mga daily wage earners at mga aniya’y isang kahig, isang tuka.
Dahil sa direktang ida-download ang pondo sa mga LGU sa NCR, umapela si Go sa local officials na tiyaking maibibigay kaagad ang ayuda sa mga tamang beneficiary sa maayos, mabilis, ligtas at malinis na paraan. —ulat ni Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)