Patay ang 80 katao habang 150 naman ang nasugatan sa panibagong mga pag-atake na hinihinalang kagagawan ng Boko haram sa Borno State, Nigeria.
Unang pinasabog ng isang lalaking suicide bomber ang isang Improvised Explosive Device o IED sa loob ng isang mosque sa Maiduguri.
Ayon kay Nigerian Army Spokesman Col. Sani Kukasheka Usman, makaraan ang limang minuto ay dalawa pang pagsabog ang naganap din sa naturang lugar.
Una rito, inatasan ni Nigerian President Muhammadu Buhari ang mga hepe ng militar sa West African country na durugin ang teroristang grupo bago matapos ang taong kasalukuyan.
By Jelbert Perdez