BUO na ang pasya ng 80 percent ng supporters ni presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos J. at running mate nito na si Sara Duterte-Carpio at siguradong BBM-Sara UniTeam na ang kanilang iboboto sa May 9 national and local elections.
Ito ang ginawang pagtaya ng PUBLiCUS Asia kung saan binanggit ni chief data scientist Dr. David Barua Yap Jr. na sina Marcos at Duterte-Carpio ay kapwa nakapagtala ng pag-angat sa kanilang voters’ preference rating.
Nasa 57 percent mula sa 1,500 registered Filipino voters na lumahok sa PAHAYAG National Tracker: April Survey ang nagsabing si Marcos ang kanilang presidential bet.
Sinasabing patuloy din ang pangunguna ni Duterte-Carpio sa vice-presidential race, na nakakuha ng 59 percent ng boto mula sa respondents.
“As Election Day nears, we firm up our support. We firm up our preferences, we become more and more committed to the choices that we have made thus far. So, I think that this is symptomatic of that particular common occurrence among voters that as Election Day nears, they become more and more convinced of who they are voting for,” sabi ni Yap.
“If we look more closely at the numbers, the share of the very firm BBM voters rose from 70 percent in February to 80 percent in late April. Similarly, the share of very firm Sara voters rose from 75 percent in February to 80 percent in late April,” ani Yap.
Samantala, napanatili din ni Marcos ang malawak na pagitan nito sa ibang kandidato, mahigit dalawang linggo bago ang May 9 elections, batay sa resulta ng pinakahuling pre-election survey na isinagawa ng PUBLiCUS simula April 19 hanggang 21.
Nabatid na ang voters’ preference rating ni Marcos ay mas mataas ng dalawang percentage points kumpara sa 55 percent noong March 9 to 14 survey ng PUBLiCUS.
“Marcos is the only presidential candidate who has notched a statistically significant increase in voter preference during the campaign period. He has gained 5 percentage points over the past two months after notching an initial preference share of 52 percent in our February survey,” pahayag naman ni Aureli Sinsuat, Executive Director ng PUBLiCUS.
Kasabay nito, sinabi ni Sinsuat na nadagdagan pa si Duterte-Carpio ng 5 percentage points sa voter preference simula noong ikalawang linggo ng Pebrero simula nang magkamit ito ng preference share na 54 percent.