Pursigido ang Commission on Higher Education na bakunahan ang nasa 70 hanggang 80% ng mga estudyante sa kolehiyo kontra COVID-19 sa pagtatapos ng Nobyembre, 2021.
Ito ang inihayag ni CHED Chairman Prospero De Vera matapos ang vaccination sa mga estudyante ng Quezon City University.
Ayon kay De Vera, target nilang maabot ang 100% ng mga estudyante pero sa ngayon ay nasa 30% pa lamang ang nabakunahan habang 70% sa mga faculty member.
Hinimok naman ng opisyal ang mga Higher Education Institutions na magtatag ng magandang kooperasyon sa kanilang LGU upang mas mapadali ang pagbabakuna sa mga mag-aaral.
Inanunsyo Rinni De Vera na plano ng CHED na dagdagan ang bilang ng mga vaccinator na magmumula sa mga estudyante ng medicine at nursing. —sa panulat ni Drew Nacino