Tinatayang 80 tonelada ng giant clam shells o taklobo na nagkakahalaga ng P160 milyon ang nasabat ng mga awtoridad sa bayan ng Roxas sa Palawan.
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), nadiskubre ang mga taklobo sa isang beach sa Barangay VI, Johnson Island ngunit wala silang nahuling suspek.
Ang pangongolekta o pangunguha ng giant clams ay ipinagbabawal sa ilalim ng Philippine Fisheries Code of 1998 o Republic Act No. 10654.
Kasama naman ang taklobo sa tala ng International Union for Conservation of Nature o IUCN Red List ng mga itinuturing na threatened species kaya dapat itong mapangalagaan.