Patay ang hindi bababa sa 800 miyembro ng Al- Qaeda sa air strikes na ginawa ng tropa ng Yemen kasama ang Arab Coalition.
Ayon sa report, kabilang sa nabawi ng pamahalaan ang oil terminal at ang lungsod ng Mukalla na itinuturing na Jihadist stronghold.
Ang air strike ay bahagi ng mas pinalawak na opensiba laban sa Jihadist militants.
By Katrina Valle