Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) na daan-daang Filipino workers ang stranded sa isang island sa Indian ocean dahil sa problema sa kanilang employer na Kellogg Brown and Root (KBR), isang American contractor.
Ayon kay DMW Secretary Susan “Toots” Ople, walong daang pinoy workers sa Diego Garcia Island ang stranded o hindi makapagbakasyon sa pilipinas dahil natatakot silang hindi na makabalik o payagan ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA).
Paliwanag niya, may banta kasi ang KBR sa mga nasabing manggagawa na mag-resign na lamang kung magbabakasyon ang mga ito.
Samantala, sinabi ni Ople na nakikipag-ugnayan sila sa naturang employer para ayusin ang vacation leaves, bilang bahagi ng karapatan ng mga Pinoy workers sa nasabing lugar.