Aabot sa karagdagang 800 mga Pinoy pa ang nagbalik-bansa kahapon, Miyerkules, ika-5 ng Agosto.
Batay sa inilabas na kalatas ng Department of Foreign Affairs (DFA), 500 dito ay pawang mga nagmula sa United Arab Emirates (UAE) at dumating sa bansa lulan ng dalawang flight.
Over 500 overseas Filipinos from the UAE landed safely in NAIA and Clark International Airport via 2 separate flights.
The DFA remains proactive in bringing home our fellow Filipinos in our fight against #COVID19PH. pic.twitter.com/TTZx5BPQlF— DFA Philippines (@DFAPHL) August 5, 2020
Bukod pa rito, nakauwi na rin ang 130 na mga na-stranded na Pinoy sa Thailand.
Sa kaparehong bulletin, nakauwi rin ng bansa ang 160 na mga Pinoy mula sa Japan.
Pagtitiyak ng DFA, ang lahat ng mga nagbalik-bansang mga Pinoy ay isinailalim sa mandatory swab testing t’yaka idineretso ang mga ito sa kanilang mga quarantine facilities.
Samantala, papayagan lamang makauwi ang mga nagbalik-bansang mga Pinoy sa kani-kanilang mga tirahan, oras na lumabas ang ‘negatibong’ resulta ng kanilang coronavirus disease 2019 (COVID-19) test.